Robredo binatikos ang umano’y panggigipit kay Ressa

By Rhommel Balasbas March 31, 2019 - 11:40 PM

Kinondena ni Vice President Leni Robredo ang pag-aresto kay Rappler CEO Maria Ressa.

Sa kanyang radio program na “BISErbisyong Leni”, pinayuhan ng bise presidente ang gobyerno na ituon ang atensyon nito sa pagpapakulong sa mga korap na opisyal.

Inihalimbawa ni Robredo ang kaso ni Imelda Marcos na hinatulan ng Sandiganbayan sa kasong graft ngunit nananatiling nakalaya matapos payagang magpiyansa.

Giit ni Robredo, marami ang target dahil sa korapsyon pero imbes na masampahan ng kaso ay napapalaya pa at nabibigyan ng posisyon sa gobyerno.

Magugunitang noong Biyernes, muling inaresto si Ressa sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) dahil sa kasong paglabag sa anti-dummy law.

Naniniwala si Robredo na pinagdidiskitahan ng administrasyon si Ressa.

“Hindi naman natin sinasabi na bigyan ng special treatment. Pero iyong sa atin lang, kung nagkasala, eh ‘di kasuhan para panagutin kung may pagkakasala, pero ito kasi, parang nakikita natin na sini-single-out,” ani Robredo.

TAGS: Anti-Dummy Law, BISErbisyong Leni, focus on corrupt officials, Maria Ressa, rappler, Vice President Leni Robredo, Anti-Dummy Law, BISErbisyong Leni, focus on corrupt officials, Maria Ressa, rappler, Vice President Leni Robredo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.