Daan-daang katao, nakiisa sa clean-up drive sa mga ilog sa Metro Manila
Daan-daang katao ang nakiisa sa isinagawang clean-up drive ng siyam na ilog sa Metro Manila.
Ayon sa Pasig River Rehabilitation Commission (PPRC), tinatayang 1,500 ang bilang ng mga volunteer na government workers at bumbero.
Siniyasat ni DENR Secretary Roy Cimatu ang Tripa De Galinna creek kasama sina DILG Secretary Eduardo Año at MMDA chairman Danilo Lim.
Ayon kay Cimatu, nakatutok ang unang bahagi ng clean-up drive sa pangongolekta ng mga basura at mabawasan ang coliform level.
Habang nililinis ang mga estero, sinabi ng kalihim na mayroong nakikitang problema sa lugar kung kaya’t ipatutupad ang Ecological Waste Management Act.
Sa nakalipas na tatlong linggo, umabot na sa 1.2 milyong kilo ng basura ang nakuha sa Metro Manila.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.