Ito ay matapos mawalan ng tirahan ang hindi bababa sa 34 pamilya o katumbas ng 181 na indibidwal sa nasunog na residential area sa Sitio Guiwanon.
Ayon kay City Disaster Risk Reduction and Management Office Officer, inirekomenda ang pagsasailalim ng barangay sa state of calamity para agad makakuha ng pondo mula sa quick response fund para sa mga apektado ng sunog.
Dagdag pa nito, maaring pangunahan ng barangay ang emergency response operation sa mga biktima na pansamantalang inilikas sa isang gymnasium.
Nagsasagawa na aniya ang Social Welfare and Development Office ng validation sa mga apektadong pamilya para malaman ang tulong na ibibigay sa mga biktima.