Brgy. Looc sa Lapu-Lapu City, posibleng isailalim sa state of calamity

By Angellic Jordan March 31, 2019 - 04:16 PM

Naghahanda ang mga opisyal ng Barangay Looc sa Lapu-Lapu City sa posibleng deklarasyon ng state of calamity sa lugar.

Ito ay matapos mawalan ng tirahan ang hindi bababa sa 34 pamilya o katumbas ng 181 na indibidwal sa nasunog na residential area sa Sitio Guiwanon.

Ayon kay City Disaster Risk Reduction and Management Office Officer, inirekomenda ang pagsasailalim ng barangay sa state of calamity para agad makakuha ng pondo mula sa quick response fund para sa mga apektado ng sunog.

Dagdag pa nito, maaring pangunahan ng barangay ang emergency response operation sa mga biktima na pansamantalang inilikas sa isang gymnasium.

Nagsasagawa na aniya ang Social Welfare and Development Office ng validation sa mga apektadong pamilya para malaman ang tulong na ibibigay sa mga biktima.

TAGS: Barangay Looc, Lapu-Lapu City, State of Calamity, sunog, Barangay Looc, Lapu-Lapu City, State of Calamity, sunog

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.