Unang araw ng local campaign period, payapa – Comelec
Naging mapayapa ang pagsisimula ng kampanya sa mga lokal na kandidato para sa May 13 polls, ayon sa Commission on Elections (Comelec).
Sa isang panayam, sinabi ni Comelec spokesman James Jimenez na walang napaulat na untoward incident sa unang araw ng local campaign period.
Gayunman, marami pa rin aniyang natanggap na ulat ang ahensya ukol sa mga ilegal na campaign paraphernalia.
Sinabi ni Jimenez na nagbigay ang Comelec ng tatlong araw na deadlines sa mga kandidato para alisin ang kanilang campaign materials.
Batay kasi sa Comelec rules, dapat mayroon lamang sukat na 2 feet by 3 feet ang mga poster at ilalagay sa mga common area.
Kung patuloy aniya ang paglabag sa Comelec rules, magkakaroon ng election offense ang kandidato.
Posibleng makulong, magbayad ng multa o kaya ay ma-diskwalipika sa eleksyon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.