Grupong Bayan, pinaiimbestigahan ang pagpatay sa 14 katao sa Negros Oriental
Kinondena ng grupong Bayan ang ikinasang magkakahiwalay na operasyon ng pulisya sa Negros Oriental na ikinamatay ng 14 na katao.
Ayon kay Renato Reyes, Secretary General ng Bayan, maituturing bilang isang “tokhang” laban sa mga magsasaka ang nangyaring operasyon sa Negros Oriental.
Sinabi ni Reyes na kapareho nito ang istilo ng pulisya pagdating sa kampanya kontra sa ilegal na droga ng administrasyong Duterte.
Malinaw din aniyang ginagamit na ito para labanan ang mga aktibista o tumututol sa kasalukuyang administrasyon.
Ani Reyes, kinakailangang magsagawa ng mabilis at patang na imbestigasyon sa umano’y krimen.
Iginiit naman ng Negros Oriental Provincial Police Office nanlaban ang mga nasawing magsasaka nang magsilbi lamang ng search warrants ang mga pulis ukol sa umano’y loose firearms ng mga hinihinalang rebeldeng komunista.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.