Joy Belmonte, inendorso ni QC Mayor Bautista

By Angellic Jordan March 31, 2019 - 09:57 AM

Inendorso ni Quezon City Mayor Herbert Bautista ang pagtakbo ni Vice Mayor Joy Belmonte bilang alkalde ng lungsod.

Sa isinagawang proclamation rally ng Serbisyon sa Bayan Party (SBP) noong Biyernes, inihayag ni Bautista na lagi niyang ipinagdarasal na manalo sa mayoralty race si Belmonte.

Ani Bautista, nagmana si Belmonte sa kaniyang ina na si Betty Go Belmonte.

Pinasalamatan din ni Bautista ang ama nito na si Cong. Feliciano “Sonny” Belmonte Jr.

Aniya, ang nakatatandang Belmonte ang nagturo at gumabay sa kaniya kung paano aaksyunan ang mga pangangailangan ng mga residente sa Quezon City.

Sa pagtakbo bilang alkalde, kampante si Bautista na mamamana ni Belmonte ang magandang pamumuno ng kaniyang ama sa lungsod.

Samantala, binigyang-diin ng mayoralty candidate ang malalaking problema na nararanasan ng mga residente sa lugar.

Kabilang aniya rito ang kahirapan, kakulangan ng trabaho, pabahay sa mga informal settler, access sa ilang basic social services, medical care at seguridad.

Sakaling maupo bilang alkalde, nangako si Belmonte sa pagkakaroon ng murang pabahay, dagdag-trabaho at kumpletong gamot at pasilidad sa mga health center.

Binanggit din nito ang pagkakaroon ng libreng tuition fee sa itatayong Pamantasan ng Lungsod Quezon.

Nagpasalamat naman si Belmonte sa natatanggap na suporta mula kay Pangulong Rodrigo Duterte at Davao City Mayor Sara Duterte.

TAGS: Herbert Bautista, joy belmonte, quezon city, Herbert Bautista, joy belmonte, quezon city

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.