Pope Francis, dumating na sa Morocco para sa kaniyang 2-day visit
Dumating na si Pope Francis para sa kaniyang 2-day visit sa Morocco, araw ng Sabado.
Ayon sa mga otoridad sa lugar, inimbita ang Santo Papa ni King Mohammed VI para makipagpulong sa Muslim leaders at migrants na bahagi ng kanilang misyon na “development of interreligious dialogue.”
Isa sa mga prayoridad ni Pope Francis ang pagpapabuti ng relasyon ng iba’t ibang relihiyon.
Sinalubong si Pope Francis ni King Mohammed VI sa Rabat bandang 2:00 ng madaling-araw sa Morocco, 10:00 ng gabi naman sa Pilipinas.
Inabutan ang Santo Papa ng dates at almond milk bago sumakay sa popemobile at limousine.
Kasunod nito, nagkaroon pa ng welcome ceremony sa Tour Hassan mosque kung saan dinaluhan ng 25,000 katao.
Nagpatupad naman ng mahigpit na seguridad sa lugar para sa 2-day visit ng Santo Papa.
Ito ang unang papal visit sa isang North African country matapos ang huling pagbisita ni Saint John Paul II noong 1985.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.