Lady Maroons top hitter Molde, nagka-injury sa tuhod

By Len Montaño March 31, 2019 - 03:05 AM

Tristan Tamayo, Inquirer.net

Nagtamo ng injury sa tuhod ang top hitter ng University of the Philippines na si Isa Molde sa laban sa Ateneo Sabado ng gabi.

Nakuha ni Molde ang injury sa ikalawang set ng laban.

Ayon sa mga doctor ng UAAP, hindi nila masabi ang extent ng injury ni Molde matapos ang masamang bagsak sa kanyang kaliwang tuhod sa gitna ng tangkang spike ng teammate na si Mirgie Bautista.

Ang Ateneo ang unang nakakuha ang first set at lamang ng 4-0 pero nangyari ang injury ni Molde.

Nakagawa pa ang volleyball star ng 5 points bago ang injury pero hindi na ito pinaglaro sa natitirang bahagi ng laro.

Si Molde ang ikatlong hitter sa UAAP na nagtamo ng injury sunod kina Milena Alessandrini ng UST at Lycha Ebon ng FEU.

TAGS: Ateneo, FEU, hitter, injury, Isa Molde, kaliwang tuhod, spike, UAAP, UST, Ateneo, FEU, hitter, injury, Isa Molde, kaliwang tuhod, spike, UAAP, UST

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.