Colmenares nagbantang kakasuhan ang mga otoridad dahil sa pagkamatay ng 14 sa Negros Oriental

Nagbanta ang grupong Bayan Muna na magsampa sila ng mga kaso laban sa mga pulis at sundalo na sangkot sa umanoy masaker sa 14 na anila ay magsasaka sa Negros Oriental.

Sinabi ng otoridad na napatay ang 14 sa magkakahiwalay na lehitimong operasyon sa Canlaon City at dalawa pang bayan sa lalawigan.

Ayon kay Bayan Muna at senatorial candidate Neri Colmenares, isusulong nila ang hustisya para ang mga pulis na sangkot sa pagkamatay ng 14 na magsasaka ay matulad anya sa sinapit ni Gen. Jovito Palparan na ngayon ay nakakulong na.

“We warn the police that we will pursue justice so that the police involved will suffer the fate of Gen. Jovito Palparan who is now languishing in prison. We demand that the PNP [Philippine National Police] and AFP (Armed Forces of the Philippines) release the names of all those involved so that we can file criminal cases against them,” ani Colmenares.

Duda si Colmenares sa pahayag ng pulisya na nanlaban ang mga napatay sa gitna ng operasyon.

Sinabi ng dating kongresista na ang mga biktima ay napatay habang ang mga ito ay natutulog.

Read more...