Pagkamatay ng 14 sa Negros Oriental, legal ayon sa pulisya
Iginiit ng pulisya na legal ang operasyon na isinagawa ng mga pulis at sundalo na ikinamatay ng 14 katao sa Negros Oriental.
Ayon kay Col. Raul Tacaca, director ng Negros Oriental Provincial Police Office, hindi basta pumasok ang otoridad sa bahay ng mga nasawi.
Ginawa lang anya ng tropa ng gobyerno ang kanilang tungkulin bilang mga otoridad.
Tinutukoy ni Tacaca ang pagsisilbi ng search warrants kaugnay ng umanoy loose firearms ng anyay hinihinalang mga rebeldeng komunista.
Ang pahayag ni Tacaca ay sa gitna ng batikos ng ilang grupo sa umanoy masaker sa 14 na napatay.
Hindi kinumpirma ng opisyal na ang namatay ay mga magsasaka pero pinaghihinalaan anya ang mga ito na mga hitmen at supporters ng New People’s Army.
Dagdag ni Tacaca, ang mga namatay ay sangkot sa nabigong assassination plots laban sa mga pulis at sundalo sa lalawigan.
Giit pa ni Tacaca, nanlaban ang mga suspek sa mga otoridad na aaresto dapat sa kanila dahil sa umanoy kasong illegal possession of firearms.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.