Warehouse ng mga plastic na produkto sa Malabon, nasunog

By Len Montaño March 31, 2019 - 01:26 AM

Screengrab of Ghen Tingson video

Sumiklab ang sunog sa warehouse ng mga plastic na produkto sa Mabolo St., Santolan, Malabon Sabado ng gabi.

Ang nasunog ay warehouse ng Jet Plastic na pinagtataguan ng mga produktong plastic.

Umabot ng ikatlong alarma ang sunog na naapula alas 10:43 ng gabi.

Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP), wala namang nasaktan o nasawi sa sunog.

Pero sa lakas ng apoy ay bumagsak ang bubungan ng warehouse at halos pundasyon na lamang ang natira.

Patuloy ang imbestigasyon sa dahilan at halaga naabong ari-arian.

Sa video ng netizen na si Ghen Tingson, mapapanood ang malaking apoy.

Nakaantabay naman ang mga residente sa sunog.

TAGS: BFP, bubungan, Jet Plastic, Malabon, nasaktan, nasawi, plastic na produkto, pundasyon, sumiklab, sunog, warehouse, BFP, bubungan, Jet Plastic, Malabon, nasaktan, nasawi, plastic na produkto, pundasyon, sumiklab, sunog, warehouse

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.