Malacanang itinangging pakinabang ni Roxas sa disqualification ni Poe
Tumanggi ang Malacanang na mag-speculate sa magiging pakinabang ni Liberal Party standard bearer Mar Roxas sa disqualification ng comelec sa kandidatura ni Senadora Grace Poe sa 2016 elections.
Sa harap ito ng posibleng paglakas ng kandidatura ni Roxas kung tuluyan nang hindi payagan si Poe na tumakbo bilang presidente sa 2016.
Ayon kay Presidential Spokesman Edwin Lacierda, ayaw niyang magsalita sa nasabing usapin dahil wala pa namang pinal na pasyo tungkol dito ang Comelec.
Aniya, mas mabuting hintayin na lamang na makumpleto ang proseso sa halip na ito ay pangunahan.
Bukod dito, natatatakot aniya siya na baka bigyan ng kulay at ibang kahulugan ang anumang sasabihin niya tungkol sa nasabing isyu.
Sinabi rin ni Lacierda na umaasa sila na habang papalapit ang halalan ay makababawi pa sa kanyang ratings si Roxas na ngayon ay halos mangulelat kumpara sa ibang mga kandidato.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.