Magandang balita dahil makalipas ang magkakasunod na pitong linggong taas presyo sa produktong petrolyo ay makakaasa naman ang mga motorista ng rollback sa susunod na linggo.
Ipapatupad sa Martes ang bawas presyo na P0.40 hanggang P0.60 sa kada litro ng gasolina.
Nasa P0.05 hanggang P0.10 naman ang tapyas sa diesel at P0.10 hanggang P0.20 naman sa kerosene.
Gayunman dahil magkakasunod ang oil price increase, kung susumahin mula Enero ay halos P9 na ang iminahal ng gasolina, halos P7 sa diesel at mahigit P4 sa kerosene.
Una nang sinabi ng Department of Energy (DOE) na ang price adjustments ay bunsod ng galaw ng kalakalan sa bansa at presyo ng langis sa world market.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.