Babaeng biktima ng hit and run sa Pasig, pumanaw na matapos macoma; nakasagasang driver, sumuko

By Len Montaño March 31, 2019 - 12:23 AM

Credit: Michelle Mabansay-Belen

Pumanaw na ang babaeng kasama ng rider na biktima ng hit and run ng isang kotse sa Pasig City.

Namatay na si Rossana Ugto ilang araw matapos itong macomatose.

Si Ugto at ang live in partner nitong si Mark Joseph Belen ay sakay ng kanilang motorsiklo noong Martes nang sagasaan sila ng kotse.

Makikita sa video na nag viral online na binabagtas ng motorsiklo ng mga biktima ang Marcos Highway nang sagiin sila sa bandang likuran ng kotse.

Bumulagtad sina Ugto at Belen habang tumakas palayo ang sasakyan.

Kahapon araw ng Sabado ay sumuko ang driver ng kotse na si Adrain Russel King Carlos.

Itinanggi ni Carlos na lasing o naka-droga siya noong nangyari ang insidente.

Hindi umano nito alam na may nasagasaan siyang motorsiklo.

Nakaharap ng driver si Belen na ayaw maniwala sa paliwanag ni Carlos.

Nangako naman si Carlos na sasagutin ang pagpapalibing kay Ugto gayundin ang gastos sa ospital.

Ayon kay Pasig City Police chief Rizalito Gapas, mahaharap si Carlos sa iba’t ibang kaso kabilang ang reckless driving.

TAGS: Adrain Russel King Carlos, comatose, hit and run, Mark Joseph Belen, Pasig City, pumanaw na, Rossana Ugto, sumuko, Adrain Russel King Carlos, comatose, hit and run, Mark Joseph Belen, Pasig City, pumanaw na, Rossana Ugto, sumuko

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.