Isa patay at isa sugatan sa pamamaril sa Tondo, Maynila
Patay ang isang tindera ng mga gulay at sugatan naman ang anak nito matapos mangyari ang pamamaril sa Tondo, Sabado ng umaga.
Ayon kay Police Senior Mst. Sgt. Lester Evangelista, Manila Police District Homicide Section, pinaputukan umano ng baril ng suspek ang ulo ng biktima na siyang dahilan ng agaran niyang pagkamatay nang papasakay ng tricycle ang mag-ina.
Lumabas naman sa tricycle ang anak nito upang dipensahan ang ina ngunit binaril rin siya ng suspek bago tumakas.
Ang namatay ay kinilalang si Mercy Timajo, 50 anyos na siya ring presidente ng neighborhood association.
Nasa maayos na kalagayan na ang anak matapos maoperahan sa Jose Reyes Memorial Medical Center.
Iniwan ng suspek ang gamit niyang motorsiklo na walang plaka at narekober ng otoridad ang tatlong bala ng kalibre .45 na baril.
Ayon sa mga pulis, posibleng may nakaalitan ang biktima kaya nangyari ang pamamaril.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.