P416K na halaga ng shabu, nakumpiska sa Talisay, Cebu

By Bernalyn Guillermo March 30, 2019 - 06:50 PM

Nakumpiska ng mga pulis ang P416,000 na hinihinalang shabu sa isang drug suspek sa isinagawang anti-illegal drug operation sa Barangay Jaclupan, Talisay City.

Ayon sa pakikipanayam kay Police Captain Alejandro Batobalonos, Provincial Drug Enforcement Unit chief, naaresto si Danilo Briones, 33 anyos na kilalang high value target kaninang ala-sais ng umaga ngayong Sabado.

Nagsagawa sila ng operasyon matapos makatanggap ng report na may ginagawang drug activities si Briones.

Sinabi pa ni Batobalonos, konektado si Briones kay Willie Sabella, na isang drug personality sa lungsod at pinsan ni Jerome Labitad.

Si Labitad ay isang pangunahing suspek sa grupo ni San Fernando Mayor Lakambini “Neneth” Reluya noong ika-22 ng Enero.

Nakakulong na si Briones sa Cebu Provincial Police Detention cell sa Sudlon, Cebu at haharapin ang mga kasong isasampa sa kaniya.

TAGS: anti-illegal drugs operations, cebu, P416k shabu, anti-illegal drugs operations, cebu, P416k shabu

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.