Kinumpirma ng US na magpapadala sila ng dagdag na pwersa sa Iraq upang tulungan ang Iraqi Forces sa kanilang pakikipag-laban sa ISIS.
Sinabi ni US Defense Sec. Ash Carter na tutulong ang American Forces sa mga sundalong Iraqi at Kurdish Peshmerga Forces na ngayon ay nakikipag-laban sa Islamic State.
Malugod namang tinanggap ni Iraqi Prime Minister Haider al-Abadi ang nasabing alok na tulong pero nilinaw nito na magiging limitado lamang ang papel ng US sa kanilang kampanya laban sa ISIS.
Nauna nang sinabi ng America na tutugon sila sa lahat ng mga kundisyon na inilatag ng Iraq.
Bukod sa actual na operasyon, tutulong ang US Forces sa Intelligence gathering at surveillance sa mga lugar na kontrolado ng ISIS.
Nagbanta naman ang Shi’ite muslim groups sa Iraq na uunahin nilang targetin ang mga US soldiers kapag nakita nila ang mga ito na pumasok sa lupain ng Iraq.
Muling nabuhay ang kampanya ng ibat-ibang mga bansa kontra sa ISIS makaraan ang madugong November 13 terror attack sa Paris France na pumatay ng maraming tao.