Pulis na nasugatan sa pakikipagbakbakan sa mga NPA sa Mt. Province, nabigyan ng medalya

Binigyan ng Philippine National Police (PNP) ng Wounded Personnel Medal o Medalya ng Sugatang Magiting ngayong Sabado ang pulis na nasugatan dahil sa pakikipagbakbakan sa mga NPA.

Naiyak si Corporal Eirphil Lapniten nang binigyan siya ng medalya ni PNP chief General Oscar Albayalde dahil sa pakikipagsapalaran niya sa mga rebelde.

Sinabi ni Albayalde na maaari rin siyang ma-promote bilang Staff Sergeant.

Nakatanggap din ng P50,000 cash assistance si Lapniten.

Si Lapniten ay nasugatan sa kaniyang kaliwang leeg sa kasagsagan ng bakbakan ng 1502nd Mobile Company of the Regional Mobile Force Battalion-15 at halos 20 NPA sa Barangay Bagnen Proper sa munisipalidad ng Bauko noong Biyernes.

Read more...