Mga artistang sangkot sa droga, huwag nang bigyan ng proyekto – Sotto

By Bernalyn Guillermo March 30, 2019 - 05:17 PM

Kung kilala ng mga TV at movie producers ang mga artistang sangkot sa ipinagbabawal na gamot ay huwag na nilang bigyan ng mga proyekto ito ayon kay Senate President Vicente Sotto III ngayong Sabado.

Ito ay naging mensahe ni Sotto upang mahinto na ng mga artista ang paggamit ng droga at para matulungan silang magpa-rehab.

Ayon kay Sotto, kung asset ng isang network ang artistang sangkot sa droga ay matulungan sana nila itong mahiwalay sa pagkakadawit sa droga.

Sinabi rin ni Sotto na pabor siya sa pagpapalabas sa publiko ng mga pangalan ng mga artistang may kinalaman sa droga.

TAGS: artista, drugs, rehab, sangkot sa droga, Sotto, artista, drugs, rehab, sangkot sa droga, Sotto

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.