3 mag-aama na sakay ng tricycle patay sa aksidente sa Tarlac

Patay ang isang tricycle driver at dalawa nitong anak nang masangkot sa aksidente ang kanilang sasakyan sa bayan ng Sta. Ignacia sa lalawigan ng Tarlac.

Kinilala ang mga nasawi na sina Eliseo Mariano at ang mga anak nitong sina Eloisa at Joshua.

Ayon sa ulat, bumangga ang tricycle na minamaneho ni Mariano sakay ang dalawa niyang anak sa isang van.

Agad na namatay si Mariano at anak na si Joshua nang masagasaan ng van habang ang anak nitong si Eloisa at nasawi makaraang sumiklab ang sunog kasunod ng banggaan.

Ayon kay Sta. Ignacia Police Station Chief Banduarez Lingaling, maaaring pinagmulan ng sunog ang baterya ng tricycle at ang gasolina.

Inaresto na ang hindi pinangalanang driver ng van.

Read more...