Albayalde: Pangalan ng mga artistang sangkot sa droga dapat ilabas na

By Jimmy Tamayo March 30, 2019 - 10:45 AM

Inquirer file photo

Pabor si Philippine National Police (PNP) Chief Gen. Oscar Albayalde na isapubliko ang pangalan ng mga celebrities na nasa drug watchlist ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Sa listahan ng PDEA, nasa 31 celebrities ang nasa drug watchlist kabilang dito ang pangalan ng 11 artistang babae.

Ayon kay Albayalde, magiging fair lamang para sa lahat kung makikilala ng publiko ang mga ito gaya ng ginawa sa mga narco politicians.

Aminado ang PNP Chief na noong siya pa ang pinuno ng National Capital Region Police Office ay nasa 50 celebrities ang nasa drug watchlist.

Gayunman, sinabi nito na ang paglalabas ng pangalan ay nasa desisyon na ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), Department of the Interior and Local Government (DILG) at ng Office of the President.

Una nang sinabi ni PDEA Director General Aaron Aquino na hindi siya pabor na ilabas ang nasabing listahan dahil kailangan pa itong isailalim sa validation.

Inihayag naman ni Albayalde na kailangan pa nilang mangalap ng ebidensya laban sa mga artistang sangkot sa droga bago maghain ng kaso.

TAGS: aaron aquino, celebrities, drug list, narco list, PDEA, PNP, aaron aquino, celebrities, drug list, narco list, PDEA, PNP

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.