MILF nagsimula na sa decommissiong ng kanilang mga baril

By Jimmy Tamayo March 30, 2019 - 09:52 AM

(AP Photo/Karlos Manlupig)

Sisimulan na ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) ang decommissioning ng kanilang mga miyembro.

Ayon kay Bangsamoro chief minister at MILF Chairman Murad Ebrahim isinumite na nila ang listahan ng nasa 12,000 MILF fighters at ang kanilang mga armas.

Ang nasabing bilang ay kumakatawan sa 30% ng kabuuang bilang ng MILF forces at una sa tatlong yugto ng “gradual decommissioning.”

Sinabi pa ni Ebrahim na isasailalim pa sa beripikasyon ang nasabing mga armas.

Ang proseso ay sasaksihan ng independent international monitoring team ng International Decommissioning Body (IDB).

Ang nasabing decommissioning ng mga armas ay kabilang sa mga naging kasunduan sa binuong Bangsamoro Organic Law. (BOL).

TAGS: bot, decommissioning, idb, MILF, Murad Ebrahim, bot, decommissioning, idb, MILF, Murad Ebrahim

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.