US State Department: Kaso ng Rappler dapat resolbahin agad

Photo: Jam Sta. Rosa

Hinikayat ng pamahalaan ng US ang pamahalaan na kaagad na resolbahin ang kaso ng mamahayag na si Maria Ressa at hayaan na makapag-operate ng maayos ang news online site na Rappler.

Sinabi ng tagapagsalita ng State Department na lubhang nakababahala ang panibagong pag-aresto kay Ressa na isinagawa kahapon.

Sa kanilang pahayag ay sinabi rin ng pamahalaan ng US na ang freedom of expression ang siyang pinaka-matibay na sandigan ng tunay na demokrasya.

Si Ressa ay hinuli kahapon pagdating niya sa Ninoy Aquino International Aiport dahil sa paglabag ng Rappler sa anti-dummy law.

Si Ressa ang kasalukuyang chief-executive-officer ng Rappler.

Nauna dito ay sinabi ni Ressa na bahagi ng pagpigil sa press freedom ang ginawang pag-aresto sa kanya kahapon ng mga otoridad.

Sa halagang P90,000 ay pansamantalang nakalalaya si Ressa makaraan siyang maglagak ng piyansa.

Inaakusahan rin ang Rappler na umano’y protektado ng Central Intelligence Agency (CIA) ng US.

Read more...