Easterlies umiiral sa malaking bahagi ng bansa
Walang namamataang sama ng panahon na makakaapekto sa bansa sa kasalukuyan.
Ayon sa 4am weather update ng PAGASA, patuloy na makararanas ng mainit at maalinsangan na panahon ang malaking bahagi ng bansa dahil sa Easterlies.
Sa Bicol Region, Eastern Visayas at buong Mindanao ay posibleng makaranas ng mga pulo-pulong mahihinang pag-ulan, pagkulog at pagkidlat.
Sa nalalabing bahagi ng Luzon kabilang na ang Metro Manila ay maalinsangan ang panahon at mababa ang tyansa ng mga pag-ulan.
Malaya namang makapaglalayag ang mga mangingisda sa mga baybaying dagat ngayong araw.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.