Magkahiwalay na pagyanig naitala sa Batanes at Eastern Samar

Nakapagtala ng magkahiwalay na pagyanig sa Batanes at Eastern Samar madaling araw ng Sabado.

Ayon sa Phivolcs, alas-2:19 ay niyanig ng magnitude 3.0 ang bahagi ng Batanes.

Ang episentro ay sa layong 12 kilometro Timog-Silangan ng Itbayat.

May lalim itong 15 kilometro.

Magnitude 3.6 naman ang yumanig sa bahagi ng Eastern Samar alas-3:02 ng madaling araw.

Ang episentro ng lindol ay sa layong 58 kilometro Hilagang-Silangan ng San Policarpio.

May lalim naman itong 25 kilometro.

Tectonic ang dahilan ng mga pagyanig at hindi naman ito nagdulot ng pinsala sa mga ari-arian at wala ring inaasahang aftershocks.

Read more...