55 drayber nagpositibo sa drug test ng PDEA

By Rhommel Balasbas March 30, 2019 - 03:42 AM

Radyo Inquirer Photo/Jomar Piquero

Nasa 55 drayber ang nagpositibo sa drug test ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa iba’t ibang terminal sa buong bansa.

Higit 4,000 PUV (public utility vehicle) drivers ang naisalang na sa drug test kung saan karamihan sa mga nagpositbo sa droga ay jeepney drivers na 20 ang bilang.

Ayon kay PDEA spokesperson Derrick Carreon, sasailalim pa sa confirmatory test ang mga nagpositibo at isusumite ang pangalan ng mga ito sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).

Pero simula kahapon (Mar.29) ay hindi na pinayagang bumyahe ang mga nagpositibo.

Kukumpiskahin ang lisensya ng mga drayber na nagpositibo at sasailalim sila sa rehabilitasyon.

Ang surpresang drug test ay ipinag-utos ni PDEA Director General Aaron Aquino dahil sa umano’y pagtaas ng bilang ng aksidente na dulot ng paggamit ng droga ng mga drayber.

Ayon kay Aquino, nasa 11,000 drayber na ang naaresto dahil sa paggamit at pagbebenta ng droga.

TAGS: 55 driver, Director General Aaron Aquino, drug test, ltfrb, PDEA, PDEA spokesperson Derrick Carreon, positibo, PUV, 55 driver, Director General Aaron Aquino, drug test, ltfrb, PDEA, PDEA spokesperson Derrick Carreon, positibo, PUV

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.