Arellano Chief Squad nasungkit ang kanilang 4th NCAA cheerleading title

By Rhommel Balasbas March 30, 2019 - 03:36 AM

Muling nagwagi ang Arellano University sa katatapos lamang na NCAA Season 94 cheerleading competition.

Sa saliw ng mga tugtugin noong 90s, ipinamalas ng Arellano Chief Squad ang kanilang galing sa cheerleading para makakuha ng 229.5 points.

Ito na ang ikatlong sunod na panalo ng Chief Squad.

Wagi ang Arellano kontra sa pinakamatindi nilang kalaban na University of Perpetual Help Perps Squad na itinanghal na 2nd place sa iskot na 222.5 points.

Mayroon nang apat na cheerleading titles ang Arellano na mas mababa pa rin sa Perpetual na mayroong siyam.

Ayon kay AU coach Lucky San Juan, nakita niya ang puso ng pagiging isang kampeon sa kanyang team kaya’t naging maganda ang kanilang performance.

Naniniwala si San Juan na malaki rin ang naitulong ng level of difficulty ng kanilang stunts sa kanilang pagkapanalo.

Nag-uwi ng P100,000 cash prize ang Arellano.

TAGS: 4th title, Arellano University, Chief Squad, coach Lucky San Juan, kampeon, NCAA Season 94 cheerleading competition, stunts, University of Perpetual Help Perps Squad, 4th title, Arellano University, Chief Squad, coach Lucky San Juan, kampeon, NCAA Season 94 cheerleading competition, stunts, University of Perpetual Help Perps Squad

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.