3 patay sa engkwentro sa Nueva Ecija

By Rhommel Balasbas March 30, 2019 - 03:12 AM

Patay ang tatlong lalaki matapos mauwi sa engkwentro ang buy bust operation sa Brgy. Caloacan, San Jose City, Nueva Ecija.

Ang mga nasawi ay kinilalang sina RJ Galiego, alyas Romnick at alyas Indon.

Ayon sa San Jose Police, target ng buy bust operation si Galiego.

Habang nagaganap ang operasyon ay nakahalata si Galiego na pulis ang kanyang mga katransaksyon at nagpaputok ito ng baril.

Tinangka ng suspek na tumakas at agad sumakay sa nakaabang na motorsiklo.

Hinabol ng mga pulis ang mga suspek na nagpapaputok pa ng baril dahilan para sila ay gumanti ng mga putok na nagresulta sa pagkakasawi ng tatlo.

Ayon sa mga pulis, notoryus na drug pushers ang mga suspek at sangkot din sa robbery at pagnanakaw ng mga motorsiklo.

Nakuha mula sa pinangyarihan ng engkwentro ang dalawang kalibre .38 na baril, sumpak, pitong basyo ng 9mm pistol.

TAGS: buy bust, enkwentro, notoryus na drug pushers, nueva ecija, patay, Robbery, San Jose City, San Jose Police, buy bust, enkwentro, notoryus na drug pushers, nueva ecija, patay, Robbery, San Jose City, San Jose Police

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.