Malacanang natuwa sa paghingi ni Duterte ng sorry kay Pope Francis

duterte4
Inquirer file photo

Natuwa si Presidential Spokesman Edwin Lacierda sa pagtanggap ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte sa kanyang pagkakamali kay Pope Francis.

Ayon kay Lacierda, ang paghingi ni Duterte ng paumanhin sa pagmumura nito sa Santo Papa ay pag-amin na nagkamali ito sa kanyang ginawa.

Sinabi ni Lacierda na bilang isang katoliko maganda ang ginawang paghingi ng paumanhin ng alkalde.

Samantala, tumanggi naman si Lacierda na magbigay ng pahayag sa bantang pag-atras ni Durterte sa Presidential race kung hindi tatanggapin ng Santo Papa ang kanyang dispensa.

Nauna dito ay sinabi ni Duterte na walang paki-alam si Lacierda sa kanyang mga diskarte sabay ang pagsasabi na dapat lamang tumutok ang kailihim sa kanyang mga trabaho sa gabinete.

Si Lacierda din ay inakusahan ng pagiging tagapagsalita ng kandidato ng administrasyon na si Mar Roxas dahil sa kanyang ginagawang pag-depensa sa kandidato ng Liberal Party.

 

Read more...