Brexit, ibinasura ng mga mambabatas sa UK sa ikatlong pagkakataon

By Len Montaño March 30, 2019 - 02:52 AM

AP photo

Sa ikatlong pagkakataon ay ibinasura ng mga mambabatas sa United Kingdom ang Brexit deal ni Prime Minister Theresa May.

Dahil dito ay lalong nalagay sa alanganin ang pagkalas ng Britanya sa European Union (EU) sa mismong araw na nakatakda itong umalis.

Sa ngayon ay hindi malinaw kung paano, kailan o kung matutuloy pa ang pag-alis ng UK sa EU.

Matapos ang special sitting ng parliament, bumoto ang mga mambabatas ng 344-286 laban sa nais ni May na kumalas ang bansa sa EU.

Ito ay kahit sinabi ng PM na ang boto pabor sa Brexit ay ang huling pagkakataon para matiyak ang tagumpay ng kasunduan.

Matatandaan na sa referendum noong June 23, 2016, 17.4 million o 52 percent ang bumoto pabor sa pagkalas ng Great Britain sa EU habang 16.1 million o 48 percent ang nais na manatili sa EU.

TAGS: Brexit, eu, ibinasura, ikatlong pagkakataon, mambabatas, pagkalas, Parliament, PM, Prime Minister Theresa May, UK, Brexit, eu, ibinasura, ikatlong pagkakataon, mambabatas, pagkalas, Parliament, PM, Prime Minister Theresa May, UK

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.