Kaso ng dengue higit 48,000 na; 65 barangay idineklarang hotspots

Umabot na sa higit 48,000 ang kaso ng dengue sa bansa batay sa pinakahuling tala ng Department of Health (DOH).

Ayon sa pinakabagong datos ng DOH-Epidemiology Bureau, mula Enero 1 hanggang March 16 ay 48,634 ang kabuuang bilang ng dengue cases kung saan 184 na ang nasawi.

Ang datos ay mas mataas kumpara sa 28,328 na naitala sa kaparehong panahon noong 2018 na  150 ang nasawi.

Pinakaramarami ang kaso ng dengue sa Central Visayas sa 5,421; sinundan ng National Capital Region (NCR) sa 4,855; CALABARZON sa 4,815; Caraga sa 4,570; at Central Luzon na may 4,009.

Ayon pa sa DOH, ang pinakaapektadong age group ay lima hanggang siyam na taong gulang na may 12,424 na dengue cases.

Samantala, 65 baranggay sa 35 bayan at lungsod sa bansa ang kinilalang dengue hotspots o mga lugar na tumataas ang bilang ng kaso ng sakit sa dalawang magkasunod na linggo.

Ang mga probinsya na may dengue hotspots ay:

Sa Metro Manila, ang mga lungsod na may dengue hotspots ay:

Read more...