Kaso ng dengue higit 48,000 na; 65 barangay idineklarang hotspots
Umabot na sa higit 48,000 ang kaso ng dengue sa bansa batay sa pinakahuling tala ng Department of Health (DOH).
Ayon sa pinakabagong datos ng DOH-Epidemiology Bureau, mula Enero 1 hanggang March 16 ay 48,634 ang kabuuang bilang ng dengue cases kung saan 184 na ang nasawi.
Ang datos ay mas mataas kumpara sa 28,328 na naitala sa kaparehong panahon noong 2018 na 150 ang nasawi.
Pinakaramarami ang kaso ng dengue sa Central Visayas sa 5,421; sinundan ng National Capital Region (NCR) sa 4,855; CALABARZON sa 4,815; Caraga sa 4,570; at Central Luzon na may 4,009.
Ayon pa sa DOH, ang pinakaapektadong age group ay lima hanggang siyam na taong gulang na may 12,424 na dengue cases.
Samantala, 65 baranggay sa 35 bayan at lungsod sa bansa ang kinilalang dengue hotspots o mga lugar na tumataas ang bilang ng kaso ng sakit sa dalawang magkasunod na linggo.
Ang mga probinsya na may dengue hotspots ay:
- Apayao
- Agusan del Norte
- Agusan del Sur
- Compostela Valley
- Davao Del Norte
- Davao Del Sur
- Davao Oriental
- Maguindanao
- North Cotabato
- South Cotabato
- Sultan Kudarat
- Surigao del Norte
- Surigao del Sur
Sa Metro Manila, ang mga lungsod na may dengue hotspots ay:
- Caloocan
- Malabon
- Marikina
- Muntinlupa
- Parañaque
- Quezon
- Taguig
- Valenzuela
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.