4 sugatan sa sunog sa kabahayan sa Muntinlupa

By Len Montaño March 30, 2019 - 12:39 AM

Screengrab of Ira Baylon FB video

Apat ang sugatan sa sunog sa isang residential area sa Muntinlupa City Biyernes ng gabi.

Ayon sa City Disaster Risk Reduction and Management Council, isang residente ang nagalusan sa likod habang ang tatlong iba pa ay nasugatan sa paa at kamay.

Agad ding namang ginamot sa lugar ang mga nasugatan.

Sumiklab ang sunog sa Creekside, Purok 6, Tramo Sucat, Muntinlupa alas 6:27 ng gabi.

Makalipas ang isang oras ay itinaas ang sunog sa ikatlong alarma.

Sinabi ni Fire Officer 1 Mark Roger Robedillo ng Muntinlupa Fire Station na idineklarang under control ang sunog dakong 8:28 ng gabi.

Pasado alas 9:00 ng gabi ay tuluyan nang naapula ang sunog.

Iniimbestigahan ang dahilan at halaga ng pinsala sa ari-arian bunsod ng sunog.

 

TAGS: ari-arian, fire under control, ikatlong alarma, kabahayan, Muntinlupa, naapula, pinsala, residential area, sunog, ari-arian, fire under control, ikatlong alarma, kabahayan, Muntinlupa, naapula, pinsala, residential area, sunog

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.