LOOK: Facebook inilabas ang samples ng mga PH page na kanilang tinanggal

By Len Montaño March 29, 2019 - 11:25 PM

Naglabas ang Facebook ng mga samples ng mga pages sa Pilipinas na kanilang tinanggal dahil sa tinatawag na “coordinated inauthentic behavior.”

Ipinakita ng FB ang mga pages kabilang ang Trending Now, Duterte Warriors at Pinulungang Bisaya, lahat ay bahagi ng network na ginawa ng communication strategist na si Nic Gabanuda.

Si Gabanuda ang namahala sa media campaign ni Pangulong Rodrigo Duterte sa 2016 presidential elections.

Naging bahagi rin ito ng presidential campaign ni dating Pangulong Noynoy Aquino at dating mataas na opisyal ng isang television network.

Isinapubliko rin ng FB ang mga pages na ginawa ng mga supporters ni dating Special Assistant to the President Bong Go.

Sa Bong Go Supporters page ay makikita ang repair ng mga air-conditioning units sa loob ng MRT 3.

Una rito, sinabi ni Facebook Cybersecurity Policy head Nathaniel Gleicher na mahigit 200 accounts at pages na inooperate ni Gabanuda ang kanilang tinanggal.

Pero paliwanag nito, inalis ang naturang mga pages hindi dahil sa political affiliation o laman ng mga ito kundi dahil sa sistematikong paggamit ng mga pekeng accounts.

TAGS: accounts, coordinated inauthentic behavior, facebook, MRT 3, Nathaniel Gleicher, Nic Gabanuda, peke, PH pages, political affiliation, samples, tinanggal, accounts, coordinated inauthentic behavior, facebook, MRT 3, Nathaniel Gleicher, Nic Gabanuda, peke, PH pages, political affiliation, samples, tinanggal

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.