Guro arestado sa droga sa Negros Oriental

Timbog ang isang guro sa pampublikong eskwelahan matapos itong makuhanan ng droga sa Amlan, Negros Oriental.

Ayon kay Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Investigation Agent 1 Gladys Grace Cruz, itinago ng gurong si Joy Equio, 39 anyos ang limang sachet ng shabu sa banyo ng eskwelahan.

Bukod sa droga na nagkakahalaga ng P6,000, narekober din sa suspek ang ilang drug paraphernalia na nakalagay sa basket at itinago sa lumang basahan.

Isang taon nang minamanmanan ng PDEA ang guro na kabilang sa listahan ng high value target ng ahensya.

Ang guro ay nasampahan na ng kaso possession of illegal drugs.

Read more...