Pangangampanya nina Rep. Jalosjos, iba pang HNP local candidates umarangkada sa Zamboanga Del Norte

By Clarize Austria March 29, 2019 - 08:36 PM

Umarangkada si 1st District Zamboanga del Norte Congressman at ngayo’y kandidado sa pagka-gobernador Bullet Jalosjos sa pangangampanya sa Zamboanga del Norte.

Kasama ni Jalosjos sa campaign rally ang mga miyembro ng Hugpong ng Pagbabago, local candidates sa lungsod ng Dapitan at sa Brgy. Sinuyak sa bayan ng Katipunan sa nasabing probinsya.

Inihayag ni Jalosjos ang kanyang plataporma sa pagbibigay ng programa na manghihikayat at tutulong sa kabataan na maabot ang kanilang pangarap, pagsusulong ng universal health care para sa lahat, at mga programa para sa agrikultura.

Nais din umano ni Jalosjos na magising ang mga mamamayan sa kasalukuyang estado ng kanilang probinsya at mamili ng mga lider na magbibigay ng totoong pagbabago sa Zamboanga del Norte.

Panahon na umano para ibigay ang mga nararapat na proyekto at programa para sa mga mamamayan.

Bukod dito, ibinahagi rin ni Jalosjos ang kaniyang mga karanasan sa pamamaril at panghaharass noong mga nakaraang eleksyon. Sinabi niya na hindi dapat gumagamit ng pwersa para manalo sa eleksyon.

Nagpaabot naman ng taos pusong pasasalamat si Jalosjos sa mga taong patuloy na sumusuporta sa kanya at sa kanyang partido na hugpong ng pagbabago.

TAGS: Bullet Jaloslos, Radyo Inquirer, Zamboanga del Norte., Bullet Jaloslos, Radyo Inquirer, Zamboanga del Norte.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.