Halos 80% ng kabuuang bilang ng balota na gagamitin sa eleksyon, tapos nang iimprenta
Tapos nang maimprinta ang nasa 80 percent ng mga kakailanganing balota para sa 2019 midterm elections.
Ayon kay Comelec spokesman James Jimenez, umabot na sa 77.86 percent o kabuuang 49,569,097 ang naimprintang balota hanggang March 20.
Ani Jimenez, ang mga balota sa dalawang rehiyon na lamang ang hindi pa tapos kasama ang National Capital Region (NCR).
Target ng poll body na matapos ang pag-imprinta ng 63 milyong balota sa
April 25.
Dahil dito, umaasa ang Comelec na mas maagang matatapos ang pag-imprinta para sa May 13 polls.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.