100,000-piso at 2,000-Piso Centennial Commemorative Notes hindi na tatanggapin mula Aug. 2 – BSP

By Dona Dominguez-Cargullo March 29, 2019 - 07:43 PM

Muling nagpaalala ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) sa publiko na sa epektibo sa Agosto, ay hindi na tatanggapin ang 100,000 Pesos at 2,000 Pesos na Centennial Commemorative Notes.

Ayon sa abiso ng BSP mula August 2, 2019 hindi na maaring gamitin ang nasabing mga pera bilang pambayad sa anumang transaksyon.

Maari namang ipapalit ang nasabing banknotes sa mga New Generation Currency (NGC) banknotes sa parehong halaga at walang anumang charge.

Pwede itong gawin saanmang authorized agent banks (AABs) at sa BSP offices hanggang 1 August 2019.

Sa ilalim kasi ng BSP Circular No. 937 lahat ng Centennial Commemorative Notes ay ikukunsidera nang demonetized mula August 2.

TAGS: Bangko Sentral ng Pilipinas, BSP advisory, Centennial Commemorative Notes, Bangko Sentral ng Pilipinas, BSP advisory, Centennial Commemorative Notes

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.