Isa sa tinaguriang ‘Euro-General’, pinayagan ng Sandiganbayan na makapagpagamot

By Isa Avendaño-Umali December 02, 2015 - 04:30 PM

delapaz
Inquirer file photo

Pinayagan ng SandiganBayan 4th Division na makapagpa-opera ang isa sa mga dating opisyal ng Philippine National Police o PNP na sangkot sa maanomalyang repair ng ilang mga Armored Personnel Carrier (APC).

Sa desisyon na inilabas ng anti-graft court, pinahintulutan si dating General Eliseo Dela Paz na manatili sa Makati Medical Center mula sa December 2 hanggang 9, 2015. Nakasaad sa desisyon na “for humanitarian consideration” ay pinayagan si Dela Paz na sumailalim sa hernioplasty, isang surgical procedure sa groin o luslos.

Ang mosyon ni Dela Paz ay inihain noong November 23, kung saan sinabi ng abogado ng ex-PNP official na may nakitang bukol sa huling check-up nito sa PNP General Hospital.

Si Dela Paz ay nahaharap sa kasong malversation at graft charges kaugnay ng maanolmayng kontrata sa pagkumpuni ng V-150 armored vehicles na nagkakahalaga ng P385.45 million noong 2007.

Nauna nang ibinasura ng Korte ang mosyon ni Dela Paz na makapagpiyansa, maging ng mga kapwa akusado na sina dating PNP chief Avelino Razon Jr., at dating police Director Geary Barias.

TAGS: Camp Crame, Dela Paz, Euro Generals, PNP, Camp Crame, Dela Paz, Euro Generals, PNP

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.