LOOK: Eliseo Rio Jr., muling itinalaga bilang DICT acting secretary ni Pang. Duterte

By Dona Dominguez-Cargullo March 29, 2019 - 06:30 PM

Itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang acting secretary ng Department of Information and Communications Technology (DICT) ang OIC ng ahensya na si Eliseo Rio Jr.

Ang appointment paper ni Rio bilang DICT acting secretary ay nilagdaan ni Pangulong Duterte noong March 25 at inilabas ng Malakanyang ngayong Biyernes, March 29.

Noong May 11, 2018, unang itinalaga ni Pangulong Duterte si Rio bilang DICT acting secretary.

Pinalitan niya noon si DICT secretary Rodolfo Salalima na inalis sa pwesto dahil sa ilang mga isyu.

Pero noong Nov. 2018, naglabas ang Malakanyang ng nomination paper ni Senator Gringo Honasan para maging bagong kalihim ng DICT.

Nilagdaan din ni Pangulong Duterte ang nasabing nomination paper.

Pero mula nang ilabas ang nomination paper ay hindi naman nanungkulan bilang kalihim ng DICT secretary.

Noong Enero 2019, sinabi ni Senate Pres. Tiuto Sotto III na maaring bigyan siya ng ibang pwesto ni Pangulong Duterte.

TAGS: acting secretary, dict, eliseo rio, acting secretary, dict, eliseo rio

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.