LOOK: 1 sa 3 mayoralty candidates sa Maynila ang dumalo sa election forum sa UP Manila

By Dona Dominguez-Cargullo March 29, 2019 - 03:42 PM

Sa tatlong mayoralty candidates sa Maynila, isa lamang ang dumalo sa election forum na idinaos sa University of the Philippines – Manila.

Tanging si Mayoralty candidate Isko Moreno ang nakadalo, hindi dumalo si incumbent Mayor Joseph Estrada at si Mayoralty candidate Alfredo Lim ay ipinadala ang abugadong si Atty. Renato dela Cruz bilang kaniyang kinatawan.

Humarap si Moreno sa mga estudyante ng UP-Manila at iba pang grupo.

Ang nasabing forum ay inorganisa ng “Good Neighbors Initiative” o GNI na kinabibilangan ng mga ahensiya ng gobyerno at pribadong sektor sa Maynila.

Layunin ng forum na ilahad ang mga problema sa lungsod partikular sa basura, illegal vendors at illegal terminals.

Nais ng GNI na makuha sana ang plataporma ng tatlong kandidato patungkol sa illegal vendors, illegal terminal at mga basurang nagkalat sa Maynila.

Sa isang video presentation, ipinakita pa ng GNI ang panganib sa mga pangunahing kalsada sa Maynila at hinamon ang mga kandidato na resolbahin ang mga nasabing suliranin.

TAGS: alfredo lim, election forum, Erap Estrada, GNI, Isko Moreno, UP Manila, alfredo lim, election forum, Erap Estrada, GNI, Isko Moreno, UP Manila

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.