Filipino bartender sa Hong Kong hinatulang makulong dahil sa pagpasok sa CR ng babae

By Dona Dominguez-Cargullo March 29, 2019 - 03:00 PM

Hinatulan ng anim na taong pagkakabilanggo sa Hong Kong ang isang Filipino bartender dahil sa magkahiwalay na insidente ng pagpasok nito sa pambabaeng palikuran.

Kinilala lamang ang lalaki na si Eduardo P., 43 anyos, na naghain ng guilty plea para dalawang kasong “loitering causing concern” sa Eastern Magistrate Court.

Ayon sa ulat ng Hong Kong News, residente na doon si Eduardo at kasamang naninirahan ang kaniyang asawa at anak.

Ayon sa korte, ang dalawang kaso ay magkahiwalay nan nangyari kaya kabuuang anim na buwan ang paninilbihan ni Eduardo.

Naganap ang insidente noong Feb. 16 at 17 kung saan pumasok siya sa female toilet sa basement floor ng Manly Plaza sa Quarry Bay at inireklamo siya ng mga nakakita sa kaniya.

Ang nasabing lalaki ay mayroong 5 iba pang kasong kriminal noon, 3 dito ay may kaugnayan din sa pagpasok sa loob ng CR na pambabae.

Ayon naman sa abugado ni Eduardo, alcoholic ang kaniyang kliyente at ito ang nagdudulot sa kaniya ng problema.

TAGS: Filipino bartender, Hong Kong, loitering, Filipino bartender, Hong Kong, loitering

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.