Hollywood actor Nicolas Cage, naghain ng annulment 4 na araw matapos ikasal sa GF

By Dona Dominguez-Cargullo March 29, 2019 - 02:55 PM

Apat na araw lamang makalipas ang kanilang kasal, nais na ng Hollywood actor na si Nicolas Cage na ipa-annul ang kasal nila ni Erika Koike.

Naghain ng annulment case sa Clark County, Nevada si Cage.

Noong Sabado, kumuha ng marriage license sa Las Vegas ang Academy Award winner na aktor at kaniyang makeup artist na girlfriend.

Naipagkaloob naman ito agad sa kanila at agad din silang nagpakasal.

Hindi naman malinaw sa ulat kung ano ang dahilan ng pagpapa-annul ni Cage.

Ang dalawa ay magkarelasyon mula noong April 2018.

Maliban kay Koike, tatlong beses nang naikasal si Cage.

Ito ay sa kaniyang unang asawa na si Patricia Arquette noong 1995, ang ikalawa ay sa anak ni Elvis Presley na si Lisa Marie noong 2002 at ikatlo ay kay Alice Kim noong 2004.

TAGS: annulment, Arika Koike, Nicolas Cage, Radyo Inquirer, annulment, Arika Koike, Nicolas Cage, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.