16 na tsuper nagpositibo sa sorpresang drug test ng PDEA

By Dona Dominguez-Cargullo March 29, 2019 - 02:21 PM

Radyo Inquirer Photo/Jomar Piquero

Umabot sa 16 na tsuper ang nagpositibo sa isinagawang sorpresa at mandatory na drug testing ng Philippine Drug Enforcement AGency (PDEA) sa mga driver ng PUVs.

Ayon kay PDEA Director General Aaron Aquino, tanghali ng Biyernes, Mar. 29 ay umabot na sa 16 ang nag-positibo.

Ang nasabing bilang ay mula sa 49 na “Oplan Harabas” na sabayang ginawa ng PDEA sa iba’t ibang lugar sa bansa.

Magpapatuloy ang operasyon ngayong maghapon.

Pero ayon kay Aquino, ang urine samples na kinuha sa mga driver ay sasailalim pa sa confirmatory test.

Sakaling magpositibo pa rin sila sa confirmatory test ay sususpindihin ng LTO ang kanilang drivers’ license.

TAGS: drug test, PDEA, PUV drivers, surprise drug test, drug test, PDEA, PUV drivers, surprise drug test

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.