Rappler CEO Maria Ressa naglagak ng piyansa sa kasong paglabag sa Anti-Dummy Law

By Dona Dominguez-Cargullo March 29, 2019 - 01:50 PM

Nakapaglagak na ng piyansa si Rappler CEO Maria Ressa para sa kasong paglabag sa Anti-Dummy Law.

Si Ressa ay naglagak ng P90,000 na piyansa sa Pasig court.

Ito ay matapos siyang arestuhin, Biyernes (Mar. 29) ng umaga pagdating niya sa NAIA Terminal 1.

Inilarawan naman ni Ressa na “harassment” ang ginawang pagdakip sa kaniya.

Maliban kay Ressa, kasama din sa nahaharap sa nasabing kasi ang iba pang opisyal ng Rappler na sina Manuel Ayala, Nico Jose Nolledo, Glenda Gloria, James Bitangca, Felicia Atienza, at James Velasquez.

Matapos magpiyansa ay pansamantala nang nakalaya si Ressa.

TAGS: Anti-Dummy Law, Arrest Warrant, Maria Ressa, rappler, Anti-Dummy Law, Arrest Warrant, Maria Ressa, rappler

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.