Panghuhuli ng isdang Tamban, ipinagbawal ng BFAR sa Zamboanga

By Erwin Aguilon December 02, 2015 - 12:36 PM

from BFARNagpatupad ng ban sa panghuhuli ng isdang tamban ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources o BFAR sa Zamboanga Region.

Tatlong buwan na hindi maaaring manghuli ng isdang tamban ang mga commercial vessel sa nasabing rehiyon.

Sa abiso kasi ng BFAR, tatagal ang fishing ban hanggang sa March 1, 2016. Ito ay upang masiguro ang suplay ng isdang tamban sa rehiyon.

Kasunod ng pagpapatupad ng fishing ban, nagpadala na ang BFAR ng dalawang patrol vessel upang magmonitor at manghuli ng lalabag sa kautusan.

Binigyang-diin ng ahensya na para lamang sa commercial fishing vessel ang ban at hindi para sa mga maliliit na mangingisda.

Ang isdang tamban ang ginagamit sa paggawa ng sardinas.

TAGS: BFAR, fishing ban, BFAR, fishing ban

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.