Sa kanyang Instagram inihayag ni Bieber ang tunay na dahilan kung bakit siya nagpahinga sa kanyang music career.
Ayon sa kanyang post: “So I read a lot of messages saying you want an album. I’ve toured my whole teenage life, and early 20s, I realized and as you guys probably saw I was unhappy last tour and I don’t deserve that and you don’t deserve that, you pay money to come and have a lively energetic fun light concert and I was unable emotionally to give you that near the end of the tour,”
Noong Hulyo, pinakasalan ni Bieber ang kasintahan at model na si Hailey Baldwin kaya mas pinili niya na pagtuunan ng pansin ang kanyang personal na buhay. “I have been looking, seeking, trial and error as most of us do, I am now very focused on repairing some of the deep-rooted issues that I have as most of us have, so that I don’t fall apart, so that I can sustain my marriage and be the father I want to be.” dagdag niya sa kanyang IG post.
Binigyang diin pa ng singer na bagamat mahalaga sa kanya ang musika, walang ibang mas mahalaga kundi ang pamilya. “Music is very important to me but Nothing comes before my family and my health.”
Nagsimula si Bieber bilang social media star nang mag-viral ang kanyang mga video bago siya sumikat sa kantang “Baby” noong siya ay 15-anyos pa lamang.
Sinundan ito ng ilan pang mga kanta gaya ng “Sorry,” “Love Yourself,” at ang “Despacito.”
Noong isang taon ay kinansela niya ang kanyang ‘Purpose Tour’ at inanunsyo na titigil na siya sa pagkanta.