Bahay ng mayor sa Cotabato sinalakay; armas at bala nakumpiska
Sinalakay ng mga tauhan ng Phillippine National Police Regional Intelligence Division at Cotabato Police Provincial Office ang mga bahay ng isang mayor sa Cotabato.
Bitbit ang search warrant, pinuntahan ang bahau ni Antipas Mayor Egidio Cadungon sa Barangay Lampayan at sa Barangay Poblacion dahil sa mga itinatago nitong armas.
Nakuha sa bahay ni Cadungon sa Barangay Poblacion ang isang kalibre 45 na baril, isang magazine at may 1 bala.
Wala namang nakuhang armas sa bahay ng alkalde sa Lampayan.
Hawak ngayon ng Antipas Police Office ang mayor habang inihahanda ang kasong isasampa laban sa kaniya.
Itinanggi naman ni Police Captain Bernard Abarquez, hepe ng Antipas Police, ang akusasyon ni Cadungon na politically motivated ang operasyon.
Ayon kay Abarquez ang regional office ng PNP ang nagsagawa ng pagsalakay at umasiste lamang sila.
Kasong paglabag sa RA 10591 o Firearms and Ammunition Regulation Act at paglabag sa section 3 ng PD 1866 ang kakaharapin ng mayor.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.