Sa Cebu City, maagang dumating sa Cebu Metropolitan Cathedral sina dating Mayor Michael Rama, at incumbent Vice Mayor Edgardo Labella.
Si Labella ang tumatakbong mayor para sa May elections at vice mayor naman ang tinatakbuhan ni Rama.
Kasama ng dalawa ang mga kandidato nila sa pagka-konsehal kasama ang dating PBA player na si Donaldo Hontiveros, Gayundin ang aktor na si Richard Yap na tuamtakbo namang kongresista para sa North District ng Cebu City.
Dumalo din sa campaign kickoff ng partido si dating Senador Bong Revilla.
Matapos ang misa sa Argao, magsasagawa ng caravan sa iba’t iba pang bahagi ng Cebu ang One Cebu Party.
Samantala, inumpisahan na tin nina Cebu Vice Gov. Agnes Magpale at Gov. Hilario Davide III ang kanilang kampanya sa Danao City.
Dumalo ang dalawa kasama ang mga miyembro at tagasuporta ng Barug Alang sa Kauswagan ug Demokrasya (Bakud) sa isang misa sa the Santo Tomas de Villanueva Parish sa Danao City.